Sunday, January 29, 2012

Mga Halimbawa gamit ang salitang "ng" sa Pangungusap



Ng sa Tuwirang Layon:

1.       Nag-igib ng tubig si kuya sa poso.
2.       Sumakay ng dyep si Jomar papuntang Marikina.
3.       Nagbabasa ng dyaryo si lolo Juan.
4.       Nanungkit ng santol si Paula.
5.       Kumain ng saging ang anak ni kharen.

Ng sa aktor (walang tinitiyak na kasarian)

1.       Inalagaan ng manggagamot ang mga may sakit.
2.       Tinuturuan ng guro ang kanyang mga estudyante.
3.       Pinag-arlaan ng mag-aaral ang  kanilang takdang-aralin.
4.       Ipinagtanggol ng abogado ang kanyang kliyente.
5.       Ipinagbili ng masasaka ang kanilang ani.

Ng (pagmamay-ari)

1.       Ang bunga ng mangga ay ninakaw ng mga bata.
2.       Ang takip ng bote ay pinaglaruan ng bata.
3.       Ang buntot ng aso ay mahaba.
4.       Ang pugad ng ibon ay kinuha ni Adan.
5.       Ang buhok ng bata ay kulay itim.

1 comment: