“Ang Buhay
ng Mag-asawang Jose at Dina”
Ni: Divinagracia G. Lagura
Sa lungsod ng Quiapo, may nakatirang
mag-asawa na matagal ng ikinasal at halos nasa kanila na lahat ngunit may isa
pang kulang. Iyon ay ang magkaroon sila ng anakl. Ito na lang ang tanging
hiling ng mag-asawa sa Poong Maykapal na sana’y magkaroonna sila ng isang
anghel. Silang dalawa ay may trabaho at namuhay sila sa masagana at magandang
pamumuhay.
Nang isang
araw ay sumapit na ang kaarawan ni Jose ay naisipan agad ni Dina na ipagluto
ito ng paborito nitong pagkain. Nagluto siya ng hamon, menudo,adobong manok at
marami pang iba.Naghanda rin siya ng macaroni, buko salad, spaghetti, mango
float at ibinili na rin ito ng goldilocks keyk. Kaya ng sumapit ang gabi ay
nagsidatingngan na ang kanilang bisita. Sinubukang tikman ng mga bisita ang iba’t ibang pagkain
na kanyang niluto.Pagkatapos kumain ay nag-inuman naman sila at ditto susubukin ang kakayahan ng mga barkada
ni Jose sa inuman kung hanggang saan ang kaya nila. Iniwan ni Jose ang kanyang mga bakada ng alak na maiinom.Sumabay
na rin si Jose sa inuman ng magbarkada. Pagkalipas ng ilang sandal ay
nag-aalala na si Dina sa kanyang asawa kaya hinanap niya ito.At doon natuntong niya na nag-iinuman pa sina
Jose kaya naman sinabihan niya agad ito na itigil na ang kanilang pag-iinom
dahil hating-gabi na at medyo lasing na rin. Napagpasyahan ng magbarkada na
umuwi na sa kani-kanilang bahay.
Kinabukasan
ay gumising nangmaaga si Dina para maghanda ng almusal ngunit gusto ni Jose na
ipaghain siya ng mainit na sabaw para mawala ang kanyang “hang over”. “Sundin
mo ang gusto ko Dina, ipaghain mo’ko ng mainit na sabaw”, ani Jose. At dahil
naman napakasunuring asawa ni Dina ay ipinagluto niya ito. Pinagtungtongan
ni Dina ang kaserolang pinaglutuan niya ng ng mainit na sabaw. Nang maluto
na ito ay kumain na ang mag-asawa.
Lumipas ang
ilang buwan ay may napansing kakaiba si Dina sa kanyang asawang si Jose kay
nagpasya na silang ipatingin sa doktor. At doon, nalaman nila na may sakit pala
si jose at kailangan siyang operahan.
Sabi ng doktor operahin ang kanyang
baga. Sapagkat palage siyang kumakain ng maalat na pagkain gaya ng tuyo, junk
foods at iba pa. Matapos sabihin ng doktor kay Jose na ganun ang kanyang
sakit ay dumating na rin si Dina kaya
sabi ng doktor ay iwan niya muna ang dalawa at may aasikasuhin pa siya. Nang
malaman ni Dina na ganun ang nangyari ay hindi niya napigilang umiyak. Agad
itong niyakap ni Jose sabay sabing, “Pahirin
mo ang luha sa iyong mga mata. Huwag kang umiyak mahal ko, hindi kita iiwan.
Magpapagaling ako agad alang-ala sa iyo”.Matapos iyon ay umuwi na ng bahay ang
mag-asawa at tamang-tama ang kanilang dating para mag-meryenda. Habang nagtitimpla ng juice si Jose ay
nag-aabala naman si Dina sa paghanda ng tinapay. Ang gustong palaman ni Dina ay
mayonnaise at kay Jose naman ay iba. Kaya nakiusap si Jose kay Dina na pahiran ang ibang tinapay ng peanut
butter na palaman. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na ang dalawa.
Kinagabihan habang di-kagandahan ang
panahon at napahimbing naman ang tulog ng mag-asawa ay may pumasok sa kanilang
bahay. Nanakaw ito ng mamahaling mga gamit. Natangay ang bagong LED na tebisyon
at iba pa.
Kinaumagahan , pagkagising ni Dina ay
sumigaw ito sapagkat nawala na ang ilan sa kanilang kagamitan. Agad naming
bumangon si Jose upang tingnan kung anong nangyari at bakit napasigaw ito.
Pagkakita niya na ganun ang nangyari ay agad niyang sinusuri kung saan dumaan
ang at paano nakapasok ang magnanakaw. At doon, natunton niya ang bakas ng paa ng magnanakaw dahil may nakita
siyang putik. Dahil doon, napabilib ang asawang si Dina at sinabi kay Jose na
dapat ay sundan niya ang kanyang
pagiging alerto at mapanuri kapag may masamang manyayari.
Lumipas ang dalawampu’t limang taon
ng kanilang pagsasama at matapos na rin maoperahan si Jose sa kanyang baga at
higit sa lahat ay natanggap na rin nila ang pinakamatagal na nilang hinihintay
ang magkaroon ng anak ay napagdesisyonan nilang mapakasal
silang muli. Kinasal nga ang dalawa sa simbahang katoliko at nagpakasal sa isang pari at doon namuhay sila ng masaya, mapayapa at masaganang
pamilya. At doon po nagtatapos ang kwento ng buhay ng mag-asawang Jose at Dina.
No comments:
Post a Comment