Sunday, January 29, 2012

Komposisyon Gamit ang Ibat' ibang Balarila


“Ang Buhay ng Mag-asawang Jose at Dina”
Ni: Divinagracia G. Lagura

Sa lungsod ng Quiapo, may nakatirang mag-asawa na matagal ng ikinasal at halos nasa kanila na lahat ngunit may isa pang kulang. Iyon ay ang magkaroon sila ng anakl. Ito na lang ang tanging hiling ng mag-asawa sa Poong Maykapal na sana’y magkaroonna sila ng isang anghel. Silang dalawa ay may trabaho at namuhay sila sa masagana at magandang pamumuhay.
            Nang isang araw ay sumapit na ang kaarawan ni Jose ay naisipan agad ni Dina na ipagluto ito ng paborito nitong pagkain. Nagluto siya ng hamon, menudo,adobong manok at marami pang iba.Naghanda rin siya ng macaroni, buko salad, spaghetti, mango float at ibinili na rin ito ng goldilocks keyk. Kaya ng sumapit ang gabi ay nagsidatingngan na ang kanilang bisita. Sinubukang  tikman ng mga bisita ang iba’t ibang pagkain na kanyang niluto.Pagkatapos kumain ay nag-inuman naman sila at ditto susubukin ang kakayahan ng mga barkada ni Jose sa inuman kung hanggang saan ang kaya nila. Iniwan ni Jose ang kanyang mga bakada ng alak na maiinom.Sumabay na rin si Jose sa inuman ng magbarkada. Pagkalipas ng ilang sandal ay nag-aalala na si Dina sa kanyang asawa kaya hinanap niya ito.At doon natuntong niya na nag-iinuman pa sina Jose kaya naman sinabihan niya agad ito na itigil na ang kanilang pag-iinom dahil hating-gabi na at medyo lasing na rin. Napagpasyahan ng magbarkada na umuwi na sa kani-kanilang bahay.
            Kinabukasan ay gumising nangmaaga si Dina para maghanda ng almusal ngunit gusto ni Jose na ipaghain siya ng mainit na sabaw para mawala ang kanyang “hang over”. “Sundin mo ang gusto ko Dina, ipaghain mo’ko ng mainit na sabaw”, ani Jose. At dahil naman napakasunuring asawa ni Dina ay ipinagluto niya ito.  Pinagtungtongan ni Dina ang kaserolang pinaglutuan niya ng ng mainit na sabaw. Nang maluto na ito ay kumain na ang mag-asawa.
            Lumipas ang ilang buwan ay may napansing kakaiba si Dina sa kanyang asawang si Jose kay nagpasya na silang ipatingin sa doktor. At doon, nalaman nila na may sakit pala si jose at kailangan siyang operahan. Sabi ng doktor operahin ang kanyang baga. Sapagkat palage siyang kumakain ng maalat na pagkain gaya ng tuyo, junk foods at iba pa. Matapos sabihin ng doktor kay Jose na ganun ang kanyang sakit  ay dumating na rin si Dina kaya sabi ng doktor ay iwan niya muna ang dalawa at may aasikasuhin pa siya. Nang malaman ni Dina na ganun ang nangyari ay hindi niya napigilang umiyak. Agad itong niyakap ni Jose sabay sabing, “Pahirin mo ang luha sa iyong mga mata. Huwag kang umiyak mahal ko, hindi kita iiwan. Magpapagaling ako agad alang-ala sa iyo”.Matapos iyon ay umuwi na ng bahay ang mag-asawa at tamang-tama ang kanilang dating para mag-meryenda.  Habang nagtitimpla ng juice si Jose ay nag-aabala naman si Dina sa paghanda ng tinapay. Ang gustong palaman ni Dina ay mayonnaise at kay Jose naman ay iba. Kaya nakiusap si Jose kay Dina na pahiran ang ibang tinapay ng peanut butter na palaman. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na ang dalawa.
Kinagabihan habang di-kagandahan ang panahon at napahimbing naman ang tulog ng mag-asawa ay may pumasok sa kanilang bahay. Nanakaw ito ng mamahaling mga gamit. Natangay ang bagong LED na tebisyon at iba pa.
Kinaumagahan , pagkagising ni Dina ay sumigaw ito sapagkat nawala na ang ilan sa kanilang kagamitan. Agad naming bumangon si Jose upang tingnan kung anong nangyari at bakit napasigaw ito. Pagkakita niya na ganun ang nangyari ay agad niyang sinusuri kung saan dumaan ang at paano nakapasok ang magnanakaw. At doon, natunton niya ang bakas ng paa ng magnanakaw dahil may nakita siyang putik. Dahil doon, napabilib ang asawang si Dina at sinabi kay Jose na dapat ay sundan niya ang kanyang pagiging alerto at mapanuri kapag may masamang manyayari.
Lumipas ang dalawampu’t limang taon ng kanilang pagsasama at matapos na rin maoperahan si Jose sa kanyang baga at higit sa lahat ay natanggap na rin nila ang pinakamatagal na nilang hinihintay ang magkaroon ng anak ay napagdesisyonan  nilang mapakasal silang muli. Kinasal nga ang dalawa sa simbahang katoliko at nagpakasal sa isang pari at doon  namuhay sila ng masaya, mapayapa at masaganang pamilya. At doon po nagtatapos ang kwento ng buhay ng mag-asawang Jose at Dina.

Mga Halimbawa gamit ang salitang "ng" sa Pangungusap



Ng sa Tuwirang Layon:

1.       Nag-igib ng tubig si kuya sa poso.
2.       Sumakay ng dyep si Jomar papuntang Marikina.
3.       Nagbabasa ng dyaryo si lolo Juan.
4.       Nanungkit ng santol si Paula.
5.       Kumain ng saging ang anak ni kharen.

Ng sa aktor (walang tinitiyak na kasarian)

1.       Inalagaan ng manggagamot ang mga may sakit.
2.       Tinuturuan ng guro ang kanyang mga estudyante.
3.       Pinag-arlaan ng mag-aaral ang  kanilang takdang-aralin.
4.       Ipinagtanggol ng abogado ang kanyang kliyente.
5.       Ipinagbili ng masasaka ang kanilang ani.

Ng (pagmamay-ari)

1.       Ang bunga ng mangga ay ninakaw ng mga bata.
2.       Ang takip ng bote ay pinaglaruan ng bata.
3.       Ang buntot ng aso ay mahaba.
4.       Ang pugad ng ibon ay kinuha ni Adan.
5.       Ang buhok ng bata ay kulay itim.

Mga Halimbawa ng mga Balarila sa Pangungusap



KUNG:

1.       Babalikan kita kung babaguhin mo ang masamang pag-uugali mo.
2.       Susundin kita kung mapangiti mo si Carla.
3.       Ako ay papayag na sumama ka sa kanila kung uuwi kayo nang maaga.
4.       Aanhin ko pa ang lahat ng aking kayamanan kung mawawala ka na sa akin.
5.       Ibabalik ko siya sa inyo kung tutubusin nyo siya ng  isang milyon.

KONG:

1.       Alam kong may gusto si Joshua sa akin.
2.       Inaamin kong nagkamali ako ako sa’yo.
3.       Ang gusto kong mangyari ay maging tayo sa habambuhay.
4.       Ang ibig kong sabihin ay ang hirap mong pakisamahan.
5.       Pangarap kong tuparin ang mga pangarap nyo.

MAY:

1.       Pang-uri:             May magandang dilag na nakaupo sa tabing-ilog.
2.       Panghalip:          Ang tao ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay.
3.       Pangangalan:     Si Judai ang may bahay ni Ryan.
4.       Pandiwa:             Ang bata ay may hinahanap na sa damuhan.
5.       Pangngalan:       May kanya-kanyang trabaho ang anak ni Lolita.

MAYROON:

1.       Mayroon ba akong pag-asa na maging akin ka?
2.       Si Norman ay mayroon kaya nakapagtapos siya sa kanyang kursong arkitektura.
3.       Ang aking mga kapatid ay talagang mga mayroon kaya nangunguna sila sa klase.
4.       Mayroon kayang magawa ang ating pangulo para umahon sa kahirapan ang ating bansa?
5.       Mayroon ba tayong pasok bukas?
6.        

Monday, January 23, 2012

Mga Halimbawa Gamit ang Salitang "nang" sa Pangungusap


PANGATNIG:

1.       Kami ay natuwa nang siya’y dumating.
2.       Si Aida ay natahimik nang dumating si Carlo.
3.       Ang lahat ay nalungkot nang ako’y umalis.
4.       Nang umulan, ako ay pumasok ng bahay.
5.       Ako ay umiyak nang mawala ang pusa.

INUULIT:

1.       Ang aking barkada ay tawa nang tawa sa matandang nadapa.
2.       Takbo nang takbo ang bata dahil natakot siya sa aso.
3.       Ang sanggol ay nagugutom kaya ito’y iyak nang iyak.
4.       Ang aso ay tahol nang tahol kahit hating-gabi na.
5.       Nag-aalala ang mag magulang ni Naida kaya tawag nang tawag ito sa kanya.

PANDIWANG PANURING:

1.       Pang-abay:         Ako ay namalengke nang maaga.
2.       Pangngalan:       Si kuya ay nagpastol nang kambing sa damuhan.
3.       Pang-uri:             Sumigaw nang malakas ang bata.
4.       Panghalip:          Ako ay napaluha nang siya’y pumanaw.
5.       Panghalip:          Ako ay natutulog nang sila’y dumating.