Sunday, December 11, 2011

♥Pag-Ibig♥


              Ano nga ba ang pag-ibig? Isang salita lamang ngunit napakaraming kahulugan.Hindi natin mawari kung ano nga ba ang ibig sabihin ng katagang ito. Ito ay maipapahayag sa libu-libong paraan.

               Ang tunay na pag-ibig ay isang napakahalagang nararamdaman ng tao. Ito ay masidhing damdamin ng pagmamahal. Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbbibigay ng konting ligaya. Ang pag-ibig ay hindi makasarili, hindi ito gumagamit ng ibang tao. Madalas kasing nangyayari sa totoong buhay ay mas marami pa ang nakaranas na gamitin sa halip na mahalin. Ang pag-ibig ay ang pinakadakilang biyaya ng Diyos sa bawat isa. Ayon sa bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig at ito ay nararapat nating ipamahagi sa ating kapwa.
            Kinakailangan natin ang pag-ibig dahil alam natin na ito ang pinakamagandang maiaalay natin sa mundo, ngunit bago natin magawang ibigin ang ating kapwa tao,  dapat nating mahalin ang ating mga sarili. Kung hindi natin alam ang katuturan niyon at ang ibig sabihin , paano natin maisasalin ang diwa't buhay nito?
 Ang pag-ibig ay nagpapakita ng kabutihang loob, hindi mapanibugho, di mayabang, di mapagsubok, di mapanglait, di mapanuri at hindi mapagmalabis.

             Ang pag-ibig ay para sa lahat. Isang kahanga-hangang himala na pag-ibig ay ang pagkapantay-pantay na kakayahan na mayaman at mahirap na bumahagi ng pag-ibig sa kapwa at pangangailangan na mabahagian nito. Walang pinipili ang pag-ibig kahit na sino ay pwedeng magkaroon nito. May ibat' ibang uri ang pag-ibig ayon sa lumang Griyego. Ito ay ang eros,storge,philia,agape at filial. Ang eros na pag-ibig ay pagmamalan sa pagitan ng dalawang tao o ang nag-iibigan. Ako ay nakaranas na ng ganitong klaseng pag-ibig kung saan ay hahamakin ang lahat para lang sa minamahal. Gagawin ang lahat alang-ala sa kanya. Ang storge naman ay pagmamahal sa pamilya; ang philia ay ang pagmamahal sa pagitan ng makakaibigan; ang agape naman ay ang pagmamahal sa kapwa at ang filial ay iyong nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit.
                 Ang tunay na pag-ibig ay isang napakahalagang  nararamdaman ng tao. Ito ay ang susi ng buhay, kung walang pag-ibig, buhay ay puno ng kalungkutan. Kapag walng pag-ibig sa isang tao ay para ka na ring hindi nabubuhay. Kapag may pag-ibig sa bawat isa, ito ay ating naipakalat at naipadama sa buong sanlibutan tiyak na maghahari ang katahimikan sa buong daigdig.
             Ang pag-ibig ayon sa  biblia ay dakila at kahalagahan ng pag-ibig ay naisulat sa I Corinto 13:4-8,13. "Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili, ang pag-ibig ay hindi mapagpuri: hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal;di nagahahanap ng para sa sarili; di nagagalit;di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagalak ang katotohanan at ang pag-ibig ay di kailanman nagmamaliw". Kayang tiisin lahat dahil sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi nagkulang kailanman. Ang sino man na may pag-ibig ay laging nag-iisip ng kabutihan sa kapwa.
                Ang pag-ibig ay isang damdaming kakaiba na maaring isa sa mga pinaka-nakapagtataka sa buong mundo. Ang pag-ibig ang may taglay na kakaibang hiwaga na nakapagbabago sa isang tao. Ang pag-ibig ay may kaugnay na emosyon, maaring ito ay napakaligaya, ay may mga oras at panahon ding ito ay talagang napakasakit sa damdamin. Sa bandang huli, ang pag-ibig ay isang bagay na karamihan sa atin, kung hindi man lahat, ay nakatagpo nang hindi sinasadya. Iba't ibang mga paraan upang tukuyin kung ano ang pag-ibig at iba't ibang mga paraan  din upang ibigin ang isang tao o kahit ang iyong sarili. Sapagkat walng sino man ang nabubuhay ng walang pag-ibig...♥♥♥



No comments:

Post a Comment